Ads

Pwede Ng Magdrive ang mga Babae sa Saudi Arabia

Ang matagal ng hinihintay ng mga kababaehan sa Saudi Arabia na silay makapag maneho na ng sasakyan. Ngayong araw Hunyo 24, 2018 tinanggal na ang ban at ngayon libre na silang makakapagmaneho ng sasakyan. 


Photo Credit: Saudi Expatriate


Karamihan sa mga pinahintulotan na magmaniho ng sasakyan ngayong araw na ito ay mga babaeng nagmamaneho na sa ibang bansa kung saan sila ay nag-aaral like United States of America at sa mga bansa sa Europe.


Sabi ng karamihan na babae, hinding-hindi sila makakapaniwala na mangyari ito ngayong araw, ang matagal na nilang inaantay na akala nila dati hindi na talaga mangyayari. Masayang-masaya sila na nagmamaneho at they are considering it, as they are part of the great history of Saudi Arabia, lefting the ban for women to drive. Di magtatagal makakakita na rin tayo ng mga Pinay na magmamaneho ng kotse sa Saudi Arabia.

Saudi woman Sabika Habib drives her car through the streets of Khobar City on her way to Bahrain on Sunday. Photo Credit: CNN Website


Sa ngayon tanging mga Saudi Citizen pa ang pinahintulotan. Mahirap din kasi sa Saudi kapag may violation ka, hindi mo makausap ng matino ang mga police dahil karamihan sa kanila hindi marurunong mag English. Sana, matuto na ring magsalita ng English ang lahat ng police para hindi mahihirapan ang mga kapwa Pinoy at Pinoy na mga drivers sa Saudi.

Pagkatapos papayagan ang mga kababaehan na magtrabaho sa bansang Saudi Arabia, ngayon isa na naman malaking history ang naganap sa Saudi. Ang ban ay tinanggal ni Crown Prince Mohammed Bin Salman. Ang buwan ng Hundyo ay ang buwan kung saan ang Saudi ay unang nag-issue ng driver's license sa mga kababaehan sa Saudi Arabia.

Umaabot sa tatlong milyon ang tinatayang mabigyan ng driver's license sa taong 2020. Maraming mga kababaehan ang nagpa convert ng kanilang foreign driver's license sa Saudi driver's license. Mga babaeng may double citizen sa ibang open countries like USA and Europe countries. Maaaring marami na ngayon ang nag-iisip na negosyante sa Saudi na magpatayo ng Driving School sa susunod na mga buwan.

"For some, though, the jubilation at realizing a hard-won freedom Sunday will be tempered by the arrests last month of a number of Saudi rights activists, including some who have played a prominent role in the fight for women's right to drive.
Many other restrictions on women's everyday lives remain in place under the male guardianship system -- including the right to marry, work or travel." CNN said.
Pwede Ng Magdrive ang mga Babae sa Saudi Arabia Pwede Ng Magdrive ang mga Babae sa Saudi Arabia Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 8:16 AM Rating: 5

No comments

Post AD