Ads

7 seamen na nakulong sa Libya, Uuwi na ng Bansa


Matapos ang dalawang taong pagkakakulong sa Libya, napawalang sala na ang pitong seamen na umano'y sangkot sa oil smuggling at ngayo'y pauwi na ng bansa ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA).

Kamakailan (March 5, 2019) ay naglabas ng 'release order' ang pamahalaan ng Libya sa pitong mandaragat at agad naman itong binigyang pansin ng DFA.
 
Credit Image: https://www.premiumtimesng.com/foreign/africa/302814-five-die-in-suicide-attack-on-libyan-foreign-ministry.html

Ayon kay DFA Secretary Teodoro "Teddy" Locsin Jr., mainit ang kanilang pagtanggap sa kautusan ng mataas na hukuman ng Libya, kung kaya't iniutos niya sa kinatawan ng ahensya sa Libya na si Presidential Adviser on Overseas Filipino Workers Affairs Abdullah Mamao na tumungo at maging tagapamagitan sa lalayang pitong seamen.

Ito rin umano ay ayon sa direksyon ni Pangulong Rodrigo Duterte upang personal na makapagpasalamat sa Libyan government at isabay na iuwi ang mga kababayan pabalik ng bansa.

"The DFA welcomed the acquittal of the Filipino workers and the Philippine Embassy in Tripoli is now coordinating with the Libyan authorities for the repatriation of the seafarers," aniya ng DFA sa isang pahayag.

Nakipagkoordinasyon na umano si Mamao kay Libyan Foreign Minister Taher Siala sa Tripoli nitong Linggo kung saan ipinarating ni Mamao sa isang sulat kay Locsin na kumpirmado at tuloy-tuloy na ang pag-aasikaso ng mga papeles sa paguwi ng mga Pinoy sa mga susunod na araw.

Ang pitong(7) seamen ay kasama sa dalawampung(20) tripulanteng Pinoy na miyembro ng Liberian-flagged oil tanker MV Levante na napasama sa kustodiya ng Libyan Coast Guard noong Agosto 2017 na di umano'y sangkot sa ilegal at palihim na pag angkat ng langis na kontrabando.

Dagdag pa rito, sila ay naakusahan na di umano'y nagtangkang mag angkat ng anim na milyong litro ng langis habang nasa loob ng nasabing barko.

Ang pitong seamen na nakatalaga bilang mga tagapamahala sa nasabing barko ang nasintensyahan ng apat na taong pagkakakulong noong Nobyembre 2018 at ang labing-tatlo sa kanila ay napalaya noong Pebrero ng nakaraang taon.
7 seamen na nakulong sa Libya, Uuwi na ng Bansa 7 seamen na nakulong sa Libya, Uuwi na ng Bansa   Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 3:31 AM Rating: 5

No comments

Post AD