Ads

Bong Revilla, tuloy ang planong magpagawa ng ospital para sa mga OFW at pamilya nito


Ang nagbabalik na kandidato sa pagkasenador na si Bong Revilla Jr. ay tiniyak sa publiko na tuloy ang plano niyang pagpapagawa ng sariling pampublikong ospital para sa mga overseas Filipino workers (OFW) at sa kanya-kanya nitong pamilya.

Aniya ni Revilla, matagal na niya umanong prayoridad ang pagbuo ng sariling ospital para sa mga kababayang OFW na tinawag niyang mga 'bagong bayani' ng henerasyon.



"Mayroon tayong Veterans' Hospital para sa ating mga buhay na bayani. Bakit wala tayong OFW Hospital para sa mga bagong bayani?," sabi niya sa isang talumpati habang nagkakampanya ang partidong Hugpong ng Pagbabago.

"We should give equal care and importance to our modern day heroes," mariin niyang sinabi.

Ang pagbuo umano nito ay pagkilala na rin sa sipag, tiyaga at pagtitiis ng maraming OFW ng ilang taong nagtrabaho para sa kanilang pamilya.

"Maging ang mga OFW na hindi nakapag-ipon  ay tila nabalewala ang pagsisikap sa ibang bansa dahil maging sila ay nakapila kung saan-saang hospital para makapagpagamot lamang ng libre," ani Revilla.

Kung bibigyan siya umano ng pagkakataon makaupo sa pwesto ng pagkasenador ngayon darating na halalan ay kanyang gagawing unang prayoridad ang nasabing proyekto.

Target umano ng mayayaring ospital ang madaliang confinement at medical procedures para sa mga OFWs maging sa kanilang mga pamilya na tutugunan ng mga bisaha at ekspertong mga doktor.

Kanya ring inalala ang kaso ni Baby Jane Allas na tinanggal sa trabaho sa Hongkong dahil sa sakit nitong stage 3 breast cancer at ngayon ay naghahanap ng paraan sa kanyang paggaling.

"Kitang kita ang pangangailangan sa programang ito," sabi niya.

Ang OFW Hospital base sa kanyang pagpapahayag ay magbibigay ng kalidad na serbisyong medikal at ang medikal na pamamaraan umano ay makakamtan sa mismong state-of-the-art facility at equipment nito. Sa tulong ng gobyerno, maari umanong gawing libre ito para sa lahat depende na rin sa lubha ng sakit ng pasyente.

Sinabi pa niya na sa milyun-milyong OFWs sa mundo, ang kanyang plataporma ay isang pangarap para sa isang pamilyang OFW na matutulungan nito.

"Kailangan natin ipakita ang ating pasasalamat sa ating mga OFW. We owe them that much," dagdag niya.

Si Revilla ay kilala bilang isang lingkod bayan sa ilang taon niyang panunungkulan sa senado kung saan nakapagpatupad na rin siya ng iba't ibang health legislations.
Bong Revilla, tuloy ang planong magpagawa ng ospital para sa mga OFW at pamilya nito Bong Revilla, tuloy ang planong magpagawa ng ospital para sa mga OFW at pamilya nito Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 7:09 AM Rating: 5

No comments

Post AD