Ads

Facebook and Instagram Are Down For Some Users Worldwide

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa na apektado sa pagka-DOWN ng facebook at instagram kahapon March 13 hanggang kanina ng madaling araw March 14, 2019. Sari-saring reaction ang ibinato ng mga netizen sa kanilang pinakapaboritong tambayan ang Facebook at Instagram. Para sa kaalaman ng lahat ang Facebook operated based in California, USA na mayroong mahigit 2 Billion users around the world.

Wala pang feedback mula mismo sa Facebook at Instagram kung ano talaga ang sanhi ng outage na ito. Sa ngayon marami pa rin ang hindi makakapagpost ng kanilang status, ang iba naman hindi makaka log-in at ang ikinagagalit ng iilan, hindi sila makakapag share ng kahit anong post sa kanilang mga groups at pages. Halos karamihan ng kanilang features ngayon ay hindi ma-access.


Dito malalaman ngayon kung gaano ba karami ang apektado kapag mawala ang facebook at instagram sa kanilang buhay. Mayron pa ngang mga viral post sa twitter na ngayon habang down ang dalawang giant social media, sinasamantala nila na tumambay muna sa pangatlong kilalang tambayan ang Twitter.

#1 and #2 Trending ngayon worldwide sa Twitter and #FacebookDown at InstagramDown. Apektado ang maraming negosyo at trabaho dahil sa pansamantalang pagkawala ng ibang users sa kanilang access sa kani-kanilang mga accounts, groups and pages. Sobrang daming post na nakakatawa na mababasa mo sa twitter na bina-bash ang pamunuan ng facebook at instagram.
Credit Image: https://www.nytimes.com/2019/03/13/technology/facebook-data-deals-investigation.html

In our case, simula pa kaninang madaling araw hanggang ngayon, hindi pa rin namin ma-access ang aming mga facebook pages and groups. Sinubukan din naming magpost pero error pa din ang lumalabas. Hindi lang pagpost ang problema, pati din sa pag share ng mga post papunta sa iba't-ibang groups at pages ayaw pa rin. Akala namin sila lang ang apektado, pati din pala kami.

Sinigurado ng Facebook na hindi ito related sa DDoS attacked ang nangyaring pag DOWN ng facebook at instagram.
Facebook and Instagram Are Down For Some Users Worldwide Facebook and Instagram Are Down For Some Users Worldwide Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 7:02 PM Rating: 5

No comments

Post AD