Ads

Filipina maid na ni-rape sa Saudi, pinatay umano ang sanggol, hahatulan ng death penalty


Isang Filipina housemaid ang ni-rape sa Kingdom of Saudi Arabia matapos niya umanong patayin ang sanggol na pinagbubuntis at ngayon ay nahaharap sa kasong infanticide na may katumbas na hatol na death penalty.

Ngunit, umaasa ang kawani ng embahada ng Pilipinas na magkaroon ng palugit ang kanyang kaso dahil aniya ng Pinay ay mayroon siyang 'post-natal depression.'

Ang 'post-natal depression' o mas kilala sa tawag na postpartum depression ay tumutukoy sa pagkadama ng panlulumo matapos manganak.
Maaaring makadama ng panlulumo pagkatapos manganak, makunan o pagkatapos na ilaglag ang sanggol.


Ayon sa Office on Women’s Health ng Department of Health and Human Services ng Estados Unidos, iba’t iba ang tindi ng mga sintomas, ngunit kadalasan ay nakakaranas ng bahagyang pagkalungkot, pagkabalisa, pagkamainisin, pagkamasumpungin, at pagkapagod.

Isang kinatawan ng grupo ng Kaagapay ng Bawat OFW Advocates na si Gerwin Sundungan ang nagpaabot ng pag-alala nang malaman na may isang Pinay ang naaresto sa Jeddah at di umano'y haharap sa kasong imoralidad at infanticide.

Ayon kay Sundungan ay agad niyang idinulog ang kaso ng Pinay sa konsulado ng Pilipinas.

Isiniwalat ni Vice Consul Lemuel Lopez na nabuntis ang Pinay matapos itong i-rape ng isang dayuhang nagtatrabaho doon bilang on-call driver ng kanilang empleyado.

Dahil sa takot ng Pinay na gantihan siya umano ng lalake ay itinago niya ang ginawa sa kanya at hindi na nagbakasakaling magsumbong sa kanilang amo.

Itinago rin niya ang kanyang pagbubuntis dahil sa takot na magalit ang kanyang amo at tanggalan siya ng kontrata.

Ngunit, nito lamang Pebrero ay nakita siya ng kanyang babaeng amo na nanganganak ng patago sa kanyang kwarto.

Ayon sa amo ay umalis siya nang kanyang makita ang ginagawa ng katulong para ipaalam sa kanyang mga anak, ngunit pagkabalik nila ay nakabalot na umano ang sanggol sa isang tela at nakalagay pa sa loob ng plastic bag.

Itinakbo pa umano nila ang sanggol sa ospital ngunit sa kasamaang palad ay nabawian na ito ng buhay.

Hahatulan ang Pinay ng death penalty sa kasong infanticide sang-ayon sa batas ng Saudi Arabia.

Ngunit umaasa si Lopez na bumaba ang kanyang parusa dahil sa naranasan nito.

"The charges might be dropped if it could be proved that the domestic worker had suffered from postnatal depression," sabi niya.

Nagpaalala naman si Lopez sa iba pang Filipino overseas workers (OFW) na ipaalam o i-report kaagad sa mga awtoridad kung nakakaranas ng sekswal na panghahalay o rape.

Filipina maid na ni-rape sa Saudi, pinatay umano ang sanggol, hahatulan ng death penalty Filipina maid na ni-rape sa Saudi, pinatay umano ang sanggol, hahatulan ng death penalty Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 8:19 AM Rating: 5

No comments

Post AD