Ads

Inabusong Pinay domestic helper, nakaligtas at nakauwi na ng Pinas


Ligtas na nakauwi sa Pilipinas at nasa kanlungan na ng kanyang tatlong anak ang isang Pinay domestic helper na di umano'y sinaktan, ginutom at nakaranas ng sekswal na pang-momolestiya ng mga mapang abusong amo sa Jeddah, Saudi Arabia.

Ang biktima na si Annie, hindi niya totoong pangalan, ay nakipagsapalaran umano sa ibang bansa para sa Php18,000 na pasahod para sa ikabubuhay ng mga anak sa Pilipinas.

Credit Image: Internet image for illustration only

Emosyonal niyang ibinahagi sa GMA news na dalawang beses na umano siyang muntikang pagsamantalahan ng kanyang among Arabo.

"Bigla lang nandiyan na sa likod ko...niyakap niya ako na mahigpit, eh lumaban din ako. Ma-ano siya...lalaki siya, eh babae po ako. Malaki 'yung amo ko. Lumaban talaga ako, sinisipa-sipa ko siya," ika niya.

Agad naman siyang dumulog sa kanyang recruitment agency at ibinilin umano na huminto na siya sa pagtatrabaho roon.

Nalaman ng babaeng amo na nagsampa siya ng reklamo sa kinakasama nito na siya namang ikinagalit at umabot pa umano sa pisikalan.

"Sinaktan ako, pinatayo ako, walang kain tapos hindi ako pinatulog ng dalawang araw, hindi pinakain," sabi niya.

Aniya pa ni Annie, inamin niyang nanlaban din siya para depensahan ang kanyang sarili dahil inatake rin siya umano ng kanyang lalakeng amo.

"Nagulat po ako, sinipa ko siya na banda siya, 'yun talaga nahubadan talaga niya ako, naghawak na talaga ako ng kutsilyo, sabi ko 'lumapit ka, kasi papatayin kita'."

Upang tuluyang makaligtas, nag-post siya sa social media site na facebook na umano'y nanghihingi siya ng tulong na makawala sa kalupitan ng kanyang mga amo.

Agad naman itong napagtuunan ng pansin ng mga labor officials at agad din siyang nailigtas sa kanyang mga amo.

Kamakailan ay nakauwi na siya sa Pilipinas at pinangakuan ng livelihood assistance at skills training ng Overseas Welfare Workers' Administration (OWWA).

Ayon kay OWWA adminstrator Hans Cacdac, "Posibleng ma-blacklist 'yung employer."

Dagdag pa ni Cacdac ay isasama nila sa imbestigasyon ang recruitment agency ng Pinay domestic helper.
Inabusong Pinay domestic helper, nakaligtas at nakauwi na ng Pinas Inabusong Pinay domestic helper, nakaligtas at nakauwi na ng Pinas   Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 8:44 AM Rating: 5

No comments

Post AD