Ads

Mahigpit na screening para sa mga OFWs na paalis ng bansa, ipatutupad ng BI


Magpapatupad ng isang mahigpit na ordinansa ang Bureau of Immigration (BI) tungkol sa istriktong pagkilatis ng pagkakakilanlan ng mga paalis na Overseas Filipino workers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) upang malaman kung ito'y karapat-dapat magtrabaho sa ibang bansa.

Nagpahayag umano ng direksyon ang Commissioner ng kawani na si Jaime Morente sa
BI Port Operations Division na magsagawa ng 'strict screening' ang mga alert personnels sa kanilang immigration booths para sa mga OFWs na paalis ng bansa.



Layon nitong alamin kung ang isang OFW ay nasa tamang edad at kung ito ay 'eligible for overseas deployment.'

Ayon kay Morente, dumarami na umano ang mga sindikatong ahensya na gumagawa ng ilegal na pangangalakal ng tao (human trafficking) kung saan tumatanggap sila ng mga underage na Filipino, partikular na umano ang mga babae.

Madali rin umano makalusot ang mga ito dahil sa mga makatotohanan nitong mga dokumento kung kaya't dinoble nila ang paraan ng pagkilatis bago pa man makalabas ng bansa.

Dagdag pa ni Morente, iniutos niya na rin sa namumuno sa BI Port Operations Division na si Grifton Medina na magpatupad ang mga tauhan nito ng pre-screening sa mga OFWs upang matyagan ang mga sa tingin nila'y minor pa lamang at umaaktong nasa edad na.

“Otherwise, in cases of doubt, our officers are instructed to refer these passengers to our Travel Control and Enforcement Unit (TCEU) for secondary inspection,” ika niya.

Ang wastong edad din umano para sa isang trabahador na kasambahay ay dalawampu't tatlong gulang (23y/o) na isang requirement sa mga OFWs.

Nagsimula umano ang kanilang paghihigpit dahil sa insidenteng nangyari nitong Marso 13 nang maharang ng BI officers ang isang dalawampu't isang taong (21y/o) dalaga na umano'y papunta na ng Riyadh, Saudi Arabia para magtrabaho bilang kasambahay.

Ayon kay Glenn Ford Comia, head supervisor ng BI-TCEU NAIA Terminal 1, na-admit sa questioning ang dalaga dahil napansin nila na dalawampu't limang taong gulang (25y/o) ito sa kanyang passport samantalang taong 1995 ang nakasulat sa kanyang pagkapanganak na nangangahulugang siya ay nasa bente uno (21y/o) anyos lamang.

“She said that she only learned that her date of birth was changed when she received her travel documents from her recruiter on the day of her flight,” sabi niya.

Sa pagkakataong ito ay naghinala na sila sa dokumentong hawak ng dalaga kaya't agad nila itong isinangguni sa Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) ng tanggapan upang maimbestigahan ang tunay na estado nito.

Samantala, inihayag din ng BI na noong nakaraang taon ay mahigit isang daang menor de edad ang kanilang naharang sa paliparan na lahat umano ay may 'falsified birth dates' kahit kumpleto ng mga valid requirements tulad ng valid overseas employment permits, working visas at job contracts.
Mahigpit na screening para sa mga OFWs na paalis ng bansa, ipatutupad ng BI Mahigpit na screening para sa mga OFWs na paalis ng bansa, ipatutupad ng BI Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 8:34 AM Rating: 5

No comments

Post AD