Ads

Mister na pinagpalit umano ng asawang Ofw sa Pakistano, nanghingi ng tulong kay Tulfo


Dismayado at mangiyak ngiyak na lumapit ang isang mister sa programang Raffy Tulfo in Action nang di umano ay niloko at pinagpalit siya ng kanyang misis sa isang Pakistano.

Ang mister na hindi pinangalan ng programa ay umaasang maipa-deport ang kanyang misis na si Maria Teresa Espiritu na ofw sa Oman dahil sa di umano'y may kasintahan na itong Pakistano.

Nagpatunay sa mga akusasyon ng mister ang mga larawan ng kanyang misis na kasama ang Pakistano na magkatabi, magkadikit, magkaakbay at naka-holding hands pa.
Ayon pa sa source ng mister, may mga sweet text messages din itong naipakita na sulat mula mismo sa kanyang misis. Isinantabi niya ring pangalanan ang taong pinagmulan ng mga larawan na nagsiwalat ng pagtataksil ng kanyang asawa.

Mariin namang itinanggi ng misis ang mga akusasyon ng kanyang mister kahit may mga pinakita nang nai-print na larawan na ibinigay mismo kay Raffy Tulfo.

Aniya ni Maria, "Matagal na po iyan, marami kasing naninira sa akin, ni hindi nga kami nakakalabas dito, wala nga rin kaming off dito."

Pinabulaanan naman ng mister ni Maria ang mga paliwanag ng kanyang misis dahil aniya ay hindi na niya ito matawagan sa cellphone at miski sa facebook account ng asawa ay naka-blocked pa siya.

Dagdag pa niya ay naapektuhan na ang kanilang mga anak sa ginawa ng asawa at kapwa ring nakikiusap na bumalik na ang ina sa Pilipinas.

Patuloy namang nagmamakaawa ang mister kay Tulfo upang mapawalang bisa ang visa ng kanyang asawa at makauwi na sa kanilang pamilya.

"Nabenta ko na po lahat ng gamit namin para makapunta lang dito. Yung motor ko binenta ko ng six thousand lang para makapunta dito." sabi niya habang tumatangis.

Dahil sa ebidensyang nakalap at sa masinsinang pakikipag-ugnayan ng action center ng programa sa mag asawa ay patuloy pa ring ipino-proseso ang kalalabasan ng mangyayaring deportation ni Maria sa Oman pabalik ng Pinas. 

Mister na pinagpalit umano ng asawang Ofw sa Pakistano, nanghingi ng tulong kay Tulfo Mister na pinagpalit umano ng asawang Ofw sa Pakistano, nanghingi ng tulong kay Tulfo Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 7:31 AM Rating: 5

No comments

Post AD