Ads

OFW sa SAUDI ARABIA, Patay Umano sa Suicide; Misis ng Biktima Sinabing may Foul Play

Patay ang isang Filipino Overseas Worker sa Saudi nang makitang nakabitin noong hapon ng Miyerkules sa kanyang pinagtatrabahuan, ani ng kanyang misis, maaring ang kinamatay ng asawa ay ang di umano'y ilang beses na death threats na natatanggap nito galing sa mga dayuhang kasamahan sa trabaho.

Ang asawa ng biktima na si Gilda Merced Dayanan ay pinahayag sa GMA news ang nangyari sa asawang si Roger Dayanan na ilang araw na umanong nakakatanggap ng death threats bago pa man ito umanong magpakamatay.

Sinabi pa nito na alam niya ang gagawing pagpapakamatay ng asawa dahil sa mga pahiwatig ng mismong kaibigan at kasamahan nito sa trabaho.
Credit Image: https://rmn.ph/labi-ng-ofw-na-napatay-sa-saksak-sa-saudi-arabia-iuuwi-na-sa-bansa/

Ngunit sa kanyang pagkakakilala sa asawa ay hindi siya naniwala na kaya nitong magpakamatay.

Ipinahayag ni Gilda na noong Martes, kinabukasan bago mangyari ang insidente ay nag video call pa silang mag asawa at wala naman umanong kahina-hinala sa mga kilos ng asawa.

“Tinawagan ko yung mobile phone niya (Roger) alas-dose (Miyerkules) dahil tuwing alas dose ay magkatawagan kami. Ring lang ng ring ang cellphone nya, hindi nya sinagot," ani ni Gilda.

"May number ako sa kasama niya na si Donato. Nag-text ako, sabi ko saan ba si Roger, bakit 'di nya sinagot tawag ko? Nag-text back si Donato at sinabi niyang nagbigti daw si Roger," sinabi pa nito.

Aniya pa niya ay may naganap na foul play at hindi sadya ang pagpapakamatay ng kanyang asawa.

Ipinahayag niya na may sinabi ang kanyang asawa sa kanya bago ito mamatay tungkol sa dayuhang kasamahan nito sa trabaho na sa kanyang pagkakatanda ay Riyad ang pangalan at di umano'y pinagbabantaan nito ang buhay ni Roger.

“Hindi po ako naniniwala na nagpakamatay ang asawa ko, may foul play 'yan sir. Sabi ng mister ko sa kin ang pangalan na Riyad na nagbanta sa kanya na papatayin sya” ani Gilda.

Sinabi pa nito na may nadiskubreng anomalya at ilegal na aktibidad ang kanyang asawa mula sa mga kasamahan nito sa bukid na pinagtatrabahuan nila. Aniya pa niya ay mula nang may malaman ang kanyang asawa ay hindi na ito tinitigilan ng mga kasamahan na bigyan ng death threats at maging ang mga ginagawa nito ay kanila umanong mino-monitor.

Sabi pa ni Gilda na pinaalam sa kanya ng asawa ang mga pagbabanta ng mga kasamahan nito mula pa noong Pebrero 2019 at maging ang kanilang pagtatawagan ay mino-monitor di umano ng mga sangkot na kasamahan.

Para maaksyunan ang mga pagbabanta ay mismong si Roger na ang sumangguni sa Kaagapay ng Bawat OFW Advocates group.

Ayon sa grupo ay agad din naman nilang dinulog ang kaso ni Roger sa Assistance to Nationals office of the Philippine Consulate sa Jeddah.

Ngunit sa kasamaang palad ay nabawian na ng buhay si Roger bago pa man ito tuluyang maaksyunan.

Upang mabigyan ng hustisya ang nangyari kay Roger ay sinabi ni Vice Consul Lemuel Lopez, ang head ng Assistance to Nationals of consulate na isinangguni na nila ang kaso sa mga awtoridad ng Saudi at maging sa mismong amo ng biktima.

“We are suggesting to the family to have an autopsy conducted kasi ang proseso ng awtopsiya sa Saudi ay hindi automatic most especially sa mga suspicious deaths so we have to ask the ministry of foreign affairs," ani Lopez.

Dagdag pa niya ay magkakaroon ng masinsinang imbestigasyon sa kaso upang malaman kung may foul play ngang nangyari na ikinamatay ng biktima sa insidente.
OFW sa SAUDI ARABIA, Patay Umano sa Suicide; Misis ng Biktima Sinabing may Foul Play OFW sa SAUDI ARABIA, Patay Umano sa Suicide; Misis ng Biktima Sinabing may Foul Play Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 8:44 AM Rating: 5

No comments

Post AD