Ads

Online appointment, mahigpit na pinatutupad ng POEA sa mga nais magtrabaho abroad


Sa pinalabas na tagubilin ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) noong Martes, nakatala dito na mahigpit nang pinapatupad ang online appointment scheme sa mga aplikanteng nagnanais magtrabaho abroad.

Ayon sa ahensya, hindi nila tatanggapin at hindi magkaka-record ang mga overseas applicants na walang online appointment sa kanilang tanggapan.

Sinabi ng pangulo ng POEA na si Bernard Olalia na simula Marso 12, 2019 ay maghihigpit na ang pagpapatupad sa overseas Filipino workers (OFW) Record Online Appointment System (OROAS).

Ayon sa direksyon na pinalabas ng POEA, kailangang mag-set ng appointment ng mga OFW sa OROAS bago asikasuhin ng kanilang tauhan.


Credit Image: https://news.abs-cbn.com/news/09/28/18/recruitment-agency-suspended-by-poea-raided-for-continuing-to-operate

Ito raw umano ay paraan upang mabawasan na rin ang mahabang pila sa kanilang tanggapan.

Dagdag pa niya ay hindi na rin sila tatanggap ng mga walk-in applicants, bukod sa mga household service workers o mas kilala bilang mga domestic helpers.

Aniya ni Olalia, hindi matuwid sa mga nag-set ng online appointment kung magtatanggap sila ng mga walk-in applicants.

"The accommodation of walk-in applicants who come to POEA has prejudiced those who want to get an appointment in the morning using OROAS," sabi niya.

"A majority of those who walk in without an appointment are applicants for household service workers," dagdag pa ni Olalia.

Nagpaalala naman si Olalia na maaring mag-set ng online appointment mula Lunes hanggang Biyernes, bukod sa holiday.

Ininganyo naman niya ang mga OFWs at recruitment agencies na gamitin ang bagong sistemang pinapatupad ng ahensya.

Noong December 2018 sinimulang ipatupad ng POEA ang partial implementation ng oras ng appointment system na umani naman ng positibong feedback sa mga aplikante.

Ang OROAS ay maaring ma-access sa www.ofwrecords.poea.gov.ph.
Online appointment, mahigpit na pinatutupad ng POEA sa mga nais magtrabaho abroad Online appointment, mahigpit na pinatutupad ng POEA sa mga nais magtrabaho abroad Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 9:36 AM Rating: 5

No comments

Post AD