Ads

Pinay domestic helper sa HK, nangalap ng tulong matapos alisin sa trabaho ng amo dahil sa cancer


Isang Pinay domestic helper sa Hongkong ang ngayo'y  nasa gitna ng kagipitan nang alisin ng kanyang amo sa trabaho matapos malaman na ito ay may cervical cancer.

Isang single mother ang 38-anyos na si Baby Jane Allas na may umaasang limang anak sa Pilipinas at tanging ang pagtatrabaho sa ibang bansa ang kanyang sandigan upang matustusan ang pangangailangan ng pamilya.

Ayon sa kanya ay tiniis niya ang kalupitan ng kanyang Pakistaning amo na bibihira siyang payagang mag day-off at di umano ay tira tira lamang ang pinapakain sa kanya.

Dagdag pa niya ay pinapatulog lamang siya nito sa maliit na storage room ng bahay.

"Kung tutuusin kaya ko pagtiiisan lahat para sa pamilya ko kasi siyempre mahirap ang buhay natin sa Pilipinas lalo na sa amin sa Palawan,” ani Baby Jane.
Credit Image: https://www.canvos.ai/press-release-april-24th-2018/

Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari noong Enero 2019 ay na-diagnose si Baby Jane ng Stage 3 cervical cancer.

Nang malaman ng kanyang amo ang kalagayan noong Pebrero ay walang pakundangan siyang  tinerminate at inalisan pa ng kontrata nito.

Bukod sa pagkakasibak sa trabaho, inalisan din siya ng health insurance card na kanyang tanging inaasahan na makakatulong sa pagpapagamot.

Ngunit lingid sa hirap na dulot ng kanyang sakit ay mas pinagtutuunan niyang pansin ang hirap ng kalagayan ng kanyang mga anak na walang pantustos sa Pinas.

“Yung cancer andiyan na 'yan di ko na matatanggal pero 'yung bituka ng mga anak ko hindi ko maano kahit may kanser ako gusto ko kahit paano tapusin kontrata ko kahit may sakit ako kung 'di dahil sa kapatid ko hindi ako magpapa-check up,” mariin niyang sinabi.

Sa ngayon ay pansamantalang nakikituloy si Baby Jane sa kanyang kapatid na si Mary Jane na kapwa ring domestic helper sa Hongkong. Inalok din umano ng amo ni Mary Jane na kuning DH ang kapatid ngunit ayon sa batas ng Hongkong ay mariing ipinagbabawal na magkaroon ng bagong kontrata ang taong may karamdaman tulad ng malalang sakit na cancer.

Dahil sa bukal na pagtanggap at pagtulong ng amo ni Mary Jane sa kapatid ay namuno pa umano ito ng isang fund raising campaign sa Get Go funding na sa ngayo'y nakakalikom na ng HK$391,000 o nasa mahigit Php 2,600,000 na.

Patuloy pa rin ang pangangalap ng pondo para kay Baby Jane dahil nasa HK$1,000,000 pa o mahigit Php6,700,000 pa ang kailangan para sa kanyang tuluyang paggaling.

Bukod pa rito, sinabi ni Baby Jane na nais niyang magpagamot sa Hongkong sapagkat hindi siya aniya kumpiyansa na gagaling siya sa pampublikong ospital sa Pinas.

Samantala, nagsampa na ng reklamo si Baby Jane sa Labor Department ng Hong Kong at pinayagan siyang i-extend ang visa habang patuloy na nililitis ang kanyang kaso.
Pinay domestic helper sa HK, nangalap ng tulong matapos alisin sa trabaho ng amo dahil sa cancer Pinay domestic helper sa HK, nangalap ng tulong matapos alisin sa trabaho ng amo dahil sa cancer Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 5:50 AM Rating: 5

No comments

Post AD