Ads

Pulis sa NAIA, nagbabala sa mga OFW na pauwi sa bansa na mag-ingat sa Budol-Budol at Salisi Gang


Nagbabala sa mga Overseas Filipino workers (OFW) na pauwi ng bansa ang nakatokang pulis sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na maging maingat at mapagmatyag sa modus operandi ng Budol-Budol at Salisi Gang.

Ito umano ay dahil sa parami ng paraming mga kaso na naitatala araw-araw, partikular na sa terminal 3 ng nasabing paliparan.



Sa isang facebook post, ipinahayag ni Florenz Water Spears, isang pulis mula Aviation Security Terminal 3, Police Station ang kanyang paalala sa mga OFW na galing Middle East na lilipad pauwi ng Mindanao na huwag basta-bastang magtitiwala sa mga taong mapang-abuso na hindi kakilala.

"PAALA-ALA: Sa mga minamahal naming manlalakbay sa ating Paliparang Ninoy Aquino International Airport Terminal 1,2, 3 at 4, lalo na sa ating mga kapatid na Muslim na galing sa Middle East, at pauwing Mindanao, wag po tayong maniwala sa mga di natin kakilala na nakikipag-usap sa atin," ayon sa kanya.

"Sunod sunod po ang insidente ng SALISI at BUDOL-BUDOL dito sa Terminal 3," dagdag pa niya.

Aniya pa ni Florenz, ang modus ng mga taong ito ay hikayatin umalis ang mga OFW na kakalapag pa lamang sa bansa habang ito ay naghihintay ng flight papuntang Mindanao.

Ang gagawin umano ng suspek ay kakausapin niya ang biktima at kukunin ang tiwala para sumama sa kanya magshopping at magpasalon.

Kapag nakita ng suspek na naaliw na ang biktima sa pagkakomportable nito ay pagkakataon na niyang kunin ang mga bagahe nito.

"Ang modus po nila, nakikipag kaibigan at kunyari kasabayan mo sa flight mula Middle East, at uuwi din ng Mindanao na pareho kayo ng point of destination para madaling makuha ang iyong tiwala. Medyo matagal pa ung flight pauwi ng Mindanao kya aayain ka muna niya lumabas, pumunta ng salon o mag shopping..Pagka medyo nag relax ka na sa salon dahil nagpapalinis ka ng kuko o nagpapagupit ka, tatangayin na niya lahat ung dala mo, kasama Passport, kahit pamasahe walang maiiwan sayo," aniya ni Florenz.

"Kung mag shopping naman, pipilitin ka nyang magsukat ng kahit ano damit o pantalon para may chance siyang itakas ang mga gamit mo pagka pasok mo ng fitting room," dagdag niya pa.

Ayon pa kay Florenz, karamihan na sa kanilang naitalang biktima ng modus operandi na ito ay ang mga kababayang muslim.

Pinaabot niya sa facebook post sa publiko ang kanyang panawagan patungkol dito at ito ay umani ng iba't ibang reaksyon.

Sa ngayon ay nagsagawa na umano ng campaign drive ang mga miyembro ng kanilang grupo ng kapulisan para balaan ang mga kababayang manlalakbay upang maiwasang maging biktima ng mga taong mapanlinlang.
Pulis sa NAIA, nagbabala sa mga OFW na pauwi sa bansa na mag-ingat sa Budol-Budol at Salisi Gang Pulis sa NAIA, nagbabala sa mga OFW na pauwi sa bansa na mag-ingat sa Budol-Budol at Salisi Gang   Reviewed by RAKETIRONG PINOY on 10:39 AM Rating: 5

No comments

Post AD